link: click VIDEO to watch
Thanks to canalcoutt for the upload
Siyempre tulad din ng ibang bata, lumpias ang panahon at di ko namalayang ang 80's ay nakalipas na. Maraming naging pagbabago sa pagdaan ng panahon tulad na lamang sa telebisyon. May ilang mga bagong palabas ang sumulpot, ang mga luma naman napalitan, ang iba nanatili. Kung dati ay black and white lang ang tv, naging colored na ito nang malaunan. Kung dati'y puro pelikulang pinoy o palabas lamang ang napapanood, unti-unting naiplabas ang mga palabas ng mga dayuhan oang mga tinatawag nating "foreign" shows. Naging sikat ang mga dayuhang artista, lalu na ang mga taga-Amerika, sa ating bansa. Hindi nagtagal nakilala na rin natin ang salitang Hollywood at ang mga taong kabilang dito. Isa sa mga naging paborito kong palabas na "foreign" noong mga early 90's ay ang Baywatch. Una, dahil sa ito ay pinapanood din ng aking mga magulang, napanood na rin ako. Sinasamantala naman ng aking mga magulang ito bilang oras na kami ay paalalahanan ng mga pag-iingat pagdating sa tubig. Mahilig kasi kami noon na magswimming. Tuwing sasapit ang bakasyon umuuwi kami sa Laguna dahil naroon ang mga kamag-anak ng lolo at lola ko. Pangalawa, gustong gusto ko ang palabas dahil nakikita ko na rin kung ano ang itsura ng tate. Marami kasi kaming kamag-anak na nagmigrate doon at ilan na sa mga ito ang mga pinsan kong nakasama ko sa paglaki. Tandang tanda ko sina Mitch Buchannon (David Hasselhoff), CJ Parker (Pamela Anderson), Stephanie Holden (Alexandra Paul), Matt Brody (David Charvet) at Hobie (Jeremy Jackson. Ilan lang sila sa mga cast pero sila ang pinakanaaalala ko. Sino ba naman ang makakakalimot sa bidang lifeguard na si Mitch na may kaisa-isang anak na si Hobie? Dedicated sa trabaho at mabuting ama sa kanyang anak. Siya ang bida sa palabas na ito. Si Stephanie ang isa sa mga naging love team ni Mitch sa palabas. Isa rin siyang lifeguard sa baywatch. Si Matt Brody naman na ginampanan ni David Charvet, ang isa sa mga gwapong lifeguards, ay ang asawa ni Brook Burke. Si CJ PArker naman ay talagang nakaagaw pansin sa mga manonood ng palabas noon. Sabi nga nila, maganda at talaga naman sexy si CJ. Naging sikat ang aktres na si Pamela Anderson dahil sa Baywatch at kinalaunan ay naging isa sa mga girlfriends ng mga sikat na aktor o rockstar (Tommy Lee, Kid Rock) ng Hollywood. Di rin malilimutan ang opening theme ng tv series na ito. Sa aking palagay, maging sa Amerika ay naging iconic ang palabas at ang kanta. Naggagandahan at naggwagwapuhang mga lifeguards ang sabay sabay na tumatakbo sa beach sa umpisa ng kanta. Sino nga ba ang hindi napa"wow" sa kanila???
Panigurado akong malinaw pa sa iyong alaala ang palabas na ito. Kung nais ay bisitahin ang link sa itaas para mapanood muli ang palabas.
Ping your blog
Friday, December 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment