...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Tuesday, June 29, 2010

Bazooka Joe


Aba eh sino ba naman ang hindi naadkik mangolekta ng comic strip sa na kasama ng Bazooka noong araw??? As far as I can remember, talagang ito ang bubble gum ng bayan noon. Actually, marereveal ang aking real age if I say this pero inabutan ko pa na apat-piso ang bentahan ng bazooka. In short, 25cents lang ang isa nito.

Kaya naman usong-uso ang sari-sari store noong panahon. Naaalala nyo pa ba ang famous commercial ng Royal Tru Orange na kung saan bida si "Joey"?!? Tulad niya, typical noong 80's ang inuutusan ang anak na bumili ng patis o di kaya toyo, mantika, kalamansi, sibuyas, asukal, itlog o kahit ano pang kailangan ni nanay sa kusina na nakalimutang bilhin sa palengke. At bilang isang batang 80's, masaya ako tuwing mauutusang bumili sa tindahan. Paano kasi makakabili ako ng gusto kong chichira o kaya ang aking paborito sa lahat--BUBBLEGUM!!! Naaalala ko pa tiglilimang piso ang binibili ko na bubble gum noon. Bukod nga sa Bazooka eh meron ding mga tinitindang walang brand na bubble gum noon, tulad nung mga malilit na bilog na pulang bubble gum at maliliit na technicolor na parang bulitas na gums na nasa straw. At dahil sa katakawan ko sa bazooka, ilang beses na akong
gumising na may nakadikit na bubble gum sa buhok. Ewan ko ha pero sa tingin ko noong 80's usung-uso ang mga home remedies at ang home remedy na ginagawa sa akin sa ganitong mga pangyayari ay GAAS. Yep, lalagyan ng gaas ang buhok ko at saka hihimayin ang gum mula sa aking buhok! The best! Parang pwede ka nang sumakabilang buhay sa tindi ng amoy ng gaas habang kinukuha ang gum sa ulo ko!

At dahil ang bazooka ang pinakacommon na bubble gum noong araw, naging obsession din ng mga teen agers ang pangongolekta ng comic strip ng bazooka para gawing wrapper ng notebook. Yung iba talagang umaasang mabubuo nila ang istorya nung comics. Ako nga nag give up diyan eh, paano ba naman ilang libong bazooka bums na ang nabibili ko eh halos pare-pareho lang ang comic strip na nakukuha ko!

Ngayon sobrang lawak na ng variety ng sweets na maaaring pagpiliian ng mga bata. Bukod sa, sadly, phased out na ang mga sari-sari stores hindi na rin mahirap bumili ng mga imported sweets mula sa mga groceries. Yun nga lang masarap balik balikan ang simplicity ng buhay noong 80's. Simple yet interesting sila!

Ping your blog

No comments: