...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Wednesday, December 30, 2009

Si Bembol Roco at Ang SM North


Marahil kilala ninyo ang nasa larawan... O kung hindi pa, titigan nyo siyang mabuti at makikilala nyo na siya... O huwag mo na lang din pahirapan ang sarili mo dahil obvious naman sa title kung sino iyan. Tama! Siya nga si Mr. Bembol Roco noong may buhok pa siya.
Maraming pelikula ang kinabilangan ni Mr. Bembol Roco at kung hindi ako nagkakamali isa na rito ang pamosong palabas ni Nora Aunor na may linyang "My brother is not a pig!". Isa siya sa mga pinakarespetadong aktor ng Pilipinas dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte.
Kung napanood ninyo ang Bagets, hindi ninyo maaaring mapalagpas ang cameo appearance niya bilang isang tindero ng buko. Dahil iniintay ni Tonton (William Martinez) at Arnel (Raymond Lauchenco) si Gilbert (Herbert Bautista) habang nagpapacircumsize, lumabas muna sila ng clinic. Natanaw nila ang isang kariton ng buko at biglang dumampot si Tonton sa loob ng kariton...at ulo nga ni Bembol ang nadampot niya!
Kung nabasa ninyo ang blog ko tungkol sa aking malubhang takot sa kalbo noong bata pa, alam nyo na kung bakit ko ikukwento si Sir Bembol ngayon. Ang totoo niyan ay nakalakihan ko na at natutunang harapin ang aking takot na iyon. Hindi naman katatakutan ang karanasan na ibabahagi ko ngayon.
Noong 80's, nakatumpok sa bandang Cubao ang mga malls, Ali Mall, Rustan's, SM at nandun din ang Fiesta Carnival. Kung taga-Tandang Sora ka or Fairview ang mall lang na pwede mong pasyalan ay ang SM North Edsa. Wala pang annex noon at ang Cyber Zone ay covered and paid parking area pa siya. Libre pa ang parking space sa grounds ng SM noon. Talagang kainan pa ng lahat ang food court na malinis talaga ang mga mesa at parating naka-mop ang sahig.
Isang beses nagpunta kami ng pamilya ko doon. Hindi ko na matandaan kung bakit kami nagpunta pero hapon na kami nang lumabas ng SM. Naaalala ko nakapark ang kotse namin sa lugar kung saan nakatayo na ang SM The Block ngayon. Bata pa ako noon kaya anong gulat ko na lang nang makita ko na makakasalubong namin ay isang sikat na artista, si Bembol Roco. Doon din siya galing sa parking area kung saan kami papunta. Wala na siyang buhok noon at kung tama ang pagkakaalala ko may suot siyang eye glasses. Yoon ang unang beses na nakakita ako ng artista kaya hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Siyempre, nakadadag ang pagiging kalbo ni sir kaya memorable sa akin ang experience na yon.


Related article: Takot ako eh..sa kalbo

Ping your blog

No comments: