...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Saturday, December 26, 2009

Birthday ng Batang 80's



Kung kayo ay nagkataong nakakapagbasa ng ilan sa aking mga lathalain, marahil ay may idea na kayo kung sino ako. Bilang batang 80's at kabilang sa isang simpleng pamilya, katuwaan ko na ang maalala ang masasaya at simpleng mga araw ng aking kabataan.

Ang aming pamilya ay tradisyonal na pilipinong pamilya. Hangga't maaari ay sama-sama at tulong-tulong. Ang pagdiriwang ng isa ay pagdiriwang ng lahat. Sabagay, lahat naman ata ng pamilyang pilipino ay ganito. Mapabirthday, pasko, bagong taon o kahit graduation, ang bawat kasapi ng pamilya ay naroroon bilang suporta. Isa sa mga okasyong madalas kong inaabangan taon taon ay ang aking kaarawan. Bilang bata, siyempre, nananabik akong makasama ang aking mga pinsan at...ang MAKATANGGAP NG MGA REGALO. Hindi naman ako nireregaluhan ng mga mamahaling regalo. Bukod sa mga laruan, simple at kapakipakinabang lang ang ibinibigay sa akin. Relo, Bag, manika, game boards at libro ay ilan sa mga aking karaniwang natatanggap ko mula sa aking mga magulang at kamag-anak. Natatandaan ko, at dahil na rin sa tulong ng mga litrato, ang aming cake tuwing may magdiriwang ng kapanganakan ay palaging Goldilocks. Sumasama pa ako sa nanay ko pag bibili siya kasi pagkatapos noon kakain kami sa kahit saan ko gusto. Uso pa noon ang order slip. Ikaw mismo maglalagay ng pangalan mo (customer's name) tapos pati detalye ng order mo (item/quantity). Ibibigay mo yun sa isa sa kanila at maghihintay na matawag sa counter para bayaran at iclaim ang inorder mo.

May nakakatawa pa nga akong experience tungkol diyan. Minsan ay pumunta kami ng nanay ko sa SM North para bumili ng cake, mamon at pulvoron. Feel na feel kong mature na ako at pwede nang mag-assist sa nanay ko kaya ako ang nagsulat sa order form. Dahil mano-mano lang sila, matagal bago ka matawag. Makalipas ang ilang sandali narinig na lang namin ang "Customer MIMI, Customer MIMI, please proceed to the counter." Napansin naming walang tumatayo mula sa upuan ng mga naghihintay at wala ring lumalapit sa counter. Napaisip ako, "hindi kaya ako ang tinatawag nya???" Para makasigurado, lumapit ako sa counter. Ipinakita niya sa akin ang order form at... AKO NGA ANG TINATAWAG NYA. Natawa ako na medyo nainis dahil mali ang pagbasa niya sa aking pangalan. Buti na lang at lumapit ako kung hindi baka inabot na kami ng siyam siyam.

Dekada ang pinag-uusapan pag dating sa cake ng Goldilocks. Sa akin ngang pagsasaliksik at pagbabasa ng ibang batang 80's na gaya ko ay ay mayroon ding blog, naging panauhin din nila sa bawat kaarawan ang Goldilocks.

Ping your blog

No comments: