link: click 1, 2, 3 (3-Lilet's Coke Commercial) to watch videos
Thanks to oonai5000, Mahinn, bclrke
Coca-Cola, the brand of softdrinks that will forever be in every filipino's heart. Kaninong pamilya ba ang hindi sinamahan ng coke sa lahat ng tanghalian, meryenda o hapunan? Mapabirthday, binyag, simpleng get together lang at outing ng bawat pinoy, COKE ang kasama! Noong 80's ang panahon na kung saan ang COKE LITRO ang suking panauhin ng bawat pamilya. Nauutusan pa ang mga bata noon na bumili sa tindahan dahil hindi naman gaano kadelikado. Karaniwan ang tindera ng sari-sari store sa inyong lugar ay bihadong kakilala ng iyong nanay dahil kapitbahay nyo sila. Hindi tulad ngayon na 2.5 litres ng plastic bottled coke ang binibili, uso noong araw ang case case ang pagbili ng coke. Naalala ko tuwing may party dito sa amin, maraming case ng coke ang dinideliver sa bahay. Mura pa kasi ito at hindi pa ganon kahirap ang buhay. Siyempre, suki din ang Coca-Cola Plant ng mga estudyanteng nagfifieldtrip. Itu-tour kayo sa loob ng planta para ipakita kung paano ginagawa ang paboritong softdrinks ng bayan. Dati nga, nung nagfieldtrip kami dito, ang gamit pa namin bus ay yung mga sinauna. Yung mga bus na talagang kwadrado at makanto tapos d pa naka-aircon. Sa Laguna kami noon nagpunta. Pila-pila kayong pumapasok ng plantasyon at isa-isa kayong namamangha sa nakikita. Uso pa dati ang pangongolekta ng tansan, kasi pag tinuklap mo ang nakatakip sa ilalim nito maaari kang manalo ng premyo. Naaalala ko pa kung gaano ako madismaya tuwing tuklapin ko ito at wala akong nakuhang premyo. Tuwing may mga pa-contest din sa tv noon, mga tansan ang karaniwan nilang ipinalalakip sa papel na mayroong iyong pangalan, edad at address. Sa sobrang nasanay ako sa pag-inom ng coke, dumating sa puntong parang hindi na ako gaano natatapangan sa kanya at iniinom ko na lang siyang parang tubig. Naging sikat din ang laruang dancing bottle ng coke. Sa pagkakatanda ko, sasayaw ito pag nakarinig ng tunog. Talagang naging "craze" ang ganitong klase ng laruan noon. May mga dancing sunflower pa nga na sumunod dito. Hindi ko rin malilimutan na tuwing may uutusang bumili ng coke sa tindahan, talagang magyayaya ito ng kasama para may kakwentuhan pabalik ng bahay. Tapos ingat na ingat kang maalog ang coke para pag binuksan na ito hindi aapaw ang bubbles at hindi mababawasan ang coke.
Ngayon, mas uso nang bumili sa grocery store at hindi sa sari-sari store. Mas uso na ngayon 2.5 litres ng coke kaysa sa Coke Litro. Marami nang mas uso ngayon kaysa sa mga uso noong 80s. Pero nanatili pa ring uso ang COKE sa lahat pinoy hanggang ngayon.
Related Link: Coca-Cola 90's Christmas Commercial
Thanks to Adman1909 for the upload
***No copyright Infringement Intended***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment