...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Friday, December 25, 2009

The People Under The Stairs (1991)

link: click VIDEO for the MOVIE PLAYLIST
Thanks to thedevilinpersondiee for the upload

Mahilig ako manood ng mga horror na palabas simula bata pa. Ang totoo niyan, noong bata ay lubos akong matatakutin. Hindi nga ako makatulog pag patay ang ilaw sa kwarto namin eh. Nagbago ang lahat nang minsa'y mapagalitan ako ng tatay ko. Hindi ko na matandaan ang dahilan pero gabi nang mangyari iyon. Dahil bata pa kami, sa kwarto ng aming mga magulang kami natutulog. Pero noong gabing iyon, dahil sa tampo, hindi ako doon natulog.
May tatlong kwarto ang aming bahay noon. Ang "unang kwarto" ay ang sa mga magulang ko. Ang pangalawa naman, na tinatawag naming "gitnang kwarto", ay dati daw naming silid-kainan ngunit nagkamalay na akong tambakan ito ng mga laruan at mga samu't saring lumang kagamitan. Ang huli at ang pinakamalayo sa unang kwarto ay ang "pangatlong kwarto". Walang natutulog dito. Dati, noong may mga katulong pa kami, doon sila natutulog.
Dahil bata pa nga, takot kami sa dilim. Dahil hindi pa rin gaano developed ang Fairview noon, bakante ang likuran ng aming lote. Sa katunayan, walang anumang bahay sa magkabilang gilid ng aming street. Nakatira kami sa isang mahabang street na dead end ang dulo at iisa lang ang pasukan at labasan. Samakatuwid, wala kaming ibang kapitbahay kundi kami kami lang din na nakatira sa iisang street. Dahil dinamdam ko ang nangyari noong gabing iyon napagdesisyunan kong matulog na lang sa pangatlong kwarto. Natakot ako noong una pero di nagtagal ay nasanay na rin akong matulog mag-isa. Doon na rin natulog ang kuya ko nang makita niyang may sarili akong kama at minsan kasi'y di matapos tapos ang aming kwentuhan bago matulog. Binilhan kami ng portable tv ng tatay at nanay namin. Tuwang tuwa kami kasi, di katulad dati iisa lang ang TV ng pamilya at nasa unang kwarto pa. Ngayon, makakapanood na kami kahit kelan namin gusto. At napanood na nga namin ang palabas na ito. Ito ay tungkol sa isang batang nagngangalang Fool at ang kanyang karanasan kasama ang mga "tao" sa loob ng bahay ng mga Robeson. Dahil dala ng pangangailangan, napilitan siyang sumama sa pagnanakaw sa bahay ng mga Robeson, na siya ring nagpapaupa sa kanila. Malubha ang sakit ng ina ni Fool kaya nang maayang magnakaw ng mga "gintong barya" sa mga Robeson ay napapayag ito. Matagal nang usap-usapan sa kanilang lugar ang kahiwagaan at tila kakaibang kinikilos ng mga Robeson. Walang sinuman ang nakakapasok sa kanilang bahay. Pero sa pagpupursigi nila Fool ay nakapasok sila sa loob ng bahay at di sinasadyang matuklasan ang pinkatatagong lihim ng pamilya.

Marahil tinatanong mo ngayon ang iyong sarili kung ano ang lihim na ito. Gusto mo bang malaman? Panoorin mo ang palabas.


Ping your blog

No comments: