...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Wednesday, December 30, 2009

Si Bembol Roco at Ang SM North


Marahil kilala ninyo ang nasa larawan... O kung hindi pa, titigan nyo siyang mabuti at makikilala nyo na siya... O huwag mo na lang din pahirapan ang sarili mo dahil obvious naman sa title kung sino iyan. Tama! Siya nga si Mr. Bembol Roco noong may buhok pa siya.
Maraming pelikula ang kinabilangan ni Mr. Bembol Roco at kung hindi ako nagkakamali isa na rito ang pamosong palabas ni Nora Aunor na may linyang "My brother is not a pig!". Isa siya sa mga pinakarespetadong aktor ng Pilipinas dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte.
Kung napanood ninyo ang Bagets, hindi ninyo maaaring mapalagpas ang cameo appearance niya bilang isang tindero ng buko. Dahil iniintay ni Tonton (William Martinez) at Arnel (Raymond Lauchenco) si Gilbert (Herbert Bautista) habang nagpapacircumsize, lumabas muna sila ng clinic. Natanaw nila ang isang kariton ng buko at biglang dumampot si Tonton sa loob ng kariton...at ulo nga ni Bembol ang nadampot niya!
Kung nabasa ninyo ang blog ko tungkol sa aking malubhang takot sa kalbo noong bata pa, alam nyo na kung bakit ko ikukwento si Sir Bembol ngayon. Ang totoo niyan ay nakalakihan ko na at natutunang harapin ang aking takot na iyon. Hindi naman katatakutan ang karanasan na ibabahagi ko ngayon.
Noong 80's, nakatumpok sa bandang Cubao ang mga malls, Ali Mall, Rustan's, SM at nandun din ang Fiesta Carnival. Kung taga-Tandang Sora ka or Fairview ang mall lang na pwede mong pasyalan ay ang SM North Edsa. Wala pang annex noon at ang Cyber Zone ay covered and paid parking area pa siya. Libre pa ang parking space sa grounds ng SM noon. Talagang kainan pa ng lahat ang food court na malinis talaga ang mga mesa at parating naka-mop ang sahig.
Isang beses nagpunta kami ng pamilya ko doon. Hindi ko na matandaan kung bakit kami nagpunta pero hapon na kami nang lumabas ng SM. Naaalala ko nakapark ang kotse namin sa lugar kung saan nakatayo na ang SM The Block ngayon. Bata pa ako noon kaya anong gulat ko na lang nang makita ko na makakasalubong namin ay isang sikat na artista, si Bembol Roco. Doon din siya galing sa parking area kung saan kami papunta. Wala na siyang buhok noon at kung tama ang pagkakaalala ko may suot siyang eye glasses. Yoon ang unang beses na nakakita ako ng artista kaya hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Siyempre, nakadadag ang pagiging kalbo ni sir kaya memorable sa akin ang experience na yon.


Related article: Takot ako eh..sa kalbo

Ping your blog

Saturday, December 26, 2009

Tagutaguan sa Ilalim ng Buwan

Tagutaguan sa ilalim ng buwan kay sarap maglaro sa dilim diliman. Wala sa harap wala sa likod wala sa gilid... Gaaaaaaameeeeee???
isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!
Isa ito sa mga larong, ika nga kung sa linya, ay gasgas na gagas sa aming magpipinsan noong kami ay bata pa. Dahil dalawa lang kami ng aking kapatid noon at ganun din ang aming mga pinsan, kami kami ang magkakalaro. Tuwing uuwi kami galing eskwela ay ihahatid kami ng aming tito sa bahay ng aming lola at doon namin hihintayin ang aming mga magulang umuwi galing trabaho at saka palang kami uuwi sa aming bahay.

Ibang iba ang paligid ng bahay namin noon. Pati simoy ng hangin iba. Ang bahay ng aming lola ay may dalawang palapag, may lilong ito na may malaking puno ng santol at sa ibabang palapag nakatira ang aming mga tiyo at tiya. Dahil ang mga magulang naming lahat ay nagsisipagtrabaho, kami kami lang ang naiiwan sa bahay. Sabagay, hindi naman kami naiiwang walang matandang kasama dahil ang isa sa aming mga tiya ay isang housewife. Ang aming laruan ay ang sala at lilong. Sa hapon, kapag maagang nakakauwi ang aming lolo at lola galing sa kanilang paupahan, pwede kaming maglaro sa labas (na karaniwan ay sa tapat lamang ng bahay namin). Dahil ang katabing bahay namin ay may malawak na garden na di na nilang nakuha pang taniman, naging malawak na talahiban na puno ng mga paru-paro at tutubi ito. Ibat' ibang laki at kulay ng paru-paro ang lumilipad dito. Kaya naging ugali naming hawiin ang mga talahib para lalung maglabasan ang mga ito at lumipad sabay-sabay. Nanghuhuli rin kami ng mga tutubi. Pagsapit ng dapit hapon, uupo kami sa hagdanan sa labas sa may terrace para panoorin ang pagkarami-raming mga ibon na nagliliparan sa langit para humapo na sa kanilang mga pugad. Sa gilid ng bahay namin ay may malaking puno ng mangga at dito naman kami humuhuli ng salagubang. Amoy damo ang simoy ng hangin at puro kuliglig ang maririnig mo sa gabi. Ito ang kapaligiran ng isang batang 80's noon.

Kapag napapayagan, walang katapusang laro ang ginagawa namin sa labas. Langit-lupa, monkey-monkey. chinese garter, patintero at siyempre taguan ang ilan sa paborito naming mga laro. Tuwang tuwa kami pag pumayag lahat na maglaro ng taguan. Siyempre, malas ng taya pag nabuburot siya kaya naman pagalingan ng tago at paghahanap! Hindi ako kasing galing ng kuya ko magtago (na kahit tapos na yung laro eh hindi pa namin nakikita), pero bilis ng takbo ang bentahin ko. Kahit makita ako kaagad siguradong mauunahan ko sa base yung taya. Grabe ang saya ng larong ito. Andiyang magkapikunan kaming magpipinsan, andiyang may madapa tapos matigil ang laro, andiyang magkabintangan ng dayaan, at kung anu-ano pa.

Nakakalungkot nga lang at bihira ko nang makita ang bata ngayon na naglalaro nito. Dati, maingay ang kalye dahil sa mga batang naglalaro ng mga ganitong klaseng laro. Ngayon, hindi na. Naisip ko tuloy, pag umuwi ang mga pinsan ko galing States, maglalaro kami ulit nito. Tapos isusulat ko dito kung ano nangyari.

Ping your blog

Birthday ng Batang 80's



Kung kayo ay nagkataong nakakapagbasa ng ilan sa aking mga lathalain, marahil ay may idea na kayo kung sino ako. Bilang batang 80's at kabilang sa isang simpleng pamilya, katuwaan ko na ang maalala ang masasaya at simpleng mga araw ng aking kabataan.

Ang aming pamilya ay tradisyonal na pilipinong pamilya. Hangga't maaari ay sama-sama at tulong-tulong. Ang pagdiriwang ng isa ay pagdiriwang ng lahat. Sabagay, lahat naman ata ng pamilyang pilipino ay ganito. Mapabirthday, pasko, bagong taon o kahit graduation, ang bawat kasapi ng pamilya ay naroroon bilang suporta. Isa sa mga okasyong madalas kong inaabangan taon taon ay ang aking kaarawan. Bilang bata, siyempre, nananabik akong makasama ang aking mga pinsan at...ang MAKATANGGAP NG MGA REGALO. Hindi naman ako nireregaluhan ng mga mamahaling regalo. Bukod sa mga laruan, simple at kapakipakinabang lang ang ibinibigay sa akin. Relo, Bag, manika, game boards at libro ay ilan sa mga aking karaniwang natatanggap ko mula sa aking mga magulang at kamag-anak. Natatandaan ko, at dahil na rin sa tulong ng mga litrato, ang aming cake tuwing may magdiriwang ng kapanganakan ay palaging Goldilocks. Sumasama pa ako sa nanay ko pag bibili siya kasi pagkatapos noon kakain kami sa kahit saan ko gusto. Uso pa noon ang order slip. Ikaw mismo maglalagay ng pangalan mo (customer's name) tapos pati detalye ng order mo (item/quantity). Ibibigay mo yun sa isa sa kanila at maghihintay na matawag sa counter para bayaran at iclaim ang inorder mo.

May nakakatawa pa nga akong experience tungkol diyan. Minsan ay pumunta kami ng nanay ko sa SM North para bumili ng cake, mamon at pulvoron. Feel na feel kong mature na ako at pwede nang mag-assist sa nanay ko kaya ako ang nagsulat sa order form. Dahil mano-mano lang sila, matagal bago ka matawag. Makalipas ang ilang sandali narinig na lang namin ang "Customer MIMI, Customer MIMI, please proceed to the counter." Napansin naming walang tumatayo mula sa upuan ng mga naghihintay at wala ring lumalapit sa counter. Napaisip ako, "hindi kaya ako ang tinatawag nya???" Para makasigurado, lumapit ako sa counter. Ipinakita niya sa akin ang order form at... AKO NGA ANG TINATAWAG NYA. Natawa ako na medyo nainis dahil mali ang pagbasa niya sa aking pangalan. Buti na lang at lumapit ako kung hindi baka inabot na kami ng siyam siyam.

Dekada ang pinag-uusapan pag dating sa cake ng Goldilocks. Sa akin ngang pagsasaliksik at pagbabasa ng ibang batang 80's na gaya ko ay ay mayroon ding blog, naging panauhin din nila sa bawat kaarawan ang Goldilocks.

Ping your blog

Friday, December 25, 2009

The People Under The Stairs (1991)

link: click VIDEO for the MOVIE PLAYLIST
Thanks to thedevilinpersondiee for the upload

Mahilig ako manood ng mga horror na palabas simula bata pa. Ang totoo niyan, noong bata ay lubos akong matatakutin. Hindi nga ako makatulog pag patay ang ilaw sa kwarto namin eh. Nagbago ang lahat nang minsa'y mapagalitan ako ng tatay ko. Hindi ko na matandaan ang dahilan pero gabi nang mangyari iyon. Dahil bata pa kami, sa kwarto ng aming mga magulang kami natutulog. Pero noong gabing iyon, dahil sa tampo, hindi ako doon natulog.
May tatlong kwarto ang aming bahay noon. Ang "unang kwarto" ay ang sa mga magulang ko. Ang pangalawa naman, na tinatawag naming "gitnang kwarto", ay dati daw naming silid-kainan ngunit nagkamalay na akong tambakan ito ng mga laruan at mga samu't saring lumang kagamitan. Ang huli at ang pinakamalayo sa unang kwarto ay ang "pangatlong kwarto". Walang natutulog dito. Dati, noong may mga katulong pa kami, doon sila natutulog.
Dahil bata pa nga, takot kami sa dilim. Dahil hindi pa rin gaano developed ang Fairview noon, bakante ang likuran ng aming lote. Sa katunayan, walang anumang bahay sa magkabilang gilid ng aming street. Nakatira kami sa isang mahabang street na dead end ang dulo at iisa lang ang pasukan at labasan. Samakatuwid, wala kaming ibang kapitbahay kundi kami kami lang din na nakatira sa iisang street. Dahil dinamdam ko ang nangyari noong gabing iyon napagdesisyunan kong matulog na lang sa pangatlong kwarto. Natakot ako noong una pero di nagtagal ay nasanay na rin akong matulog mag-isa. Doon na rin natulog ang kuya ko nang makita niyang may sarili akong kama at minsan kasi'y di matapos tapos ang aming kwentuhan bago matulog. Binilhan kami ng portable tv ng tatay at nanay namin. Tuwang tuwa kami kasi, di katulad dati iisa lang ang TV ng pamilya at nasa unang kwarto pa. Ngayon, makakapanood na kami kahit kelan namin gusto. At napanood na nga namin ang palabas na ito. Ito ay tungkol sa isang batang nagngangalang Fool at ang kanyang karanasan kasama ang mga "tao" sa loob ng bahay ng mga Robeson. Dahil dala ng pangangailangan, napilitan siyang sumama sa pagnanakaw sa bahay ng mga Robeson, na siya ring nagpapaupa sa kanila. Malubha ang sakit ng ina ni Fool kaya nang maayang magnakaw ng mga "gintong barya" sa mga Robeson ay napapayag ito. Matagal nang usap-usapan sa kanilang lugar ang kahiwagaan at tila kakaibang kinikilos ng mga Robeson. Walang sinuman ang nakakapasok sa kanilang bahay. Pero sa pagpupursigi nila Fool ay nakapasok sila sa loob ng bahay at di sinasadyang matuklasan ang pinkatatagong lihim ng pamilya.

Marahil tinatanong mo ngayon ang iyong sarili kung ano ang lihim na ito. Gusto mo bang malaman? Panoorin mo ang palabas.


Ping your blog

Olympus Pen EE3

Ngayong araw, marami akong kayamang natagpuan. Hindi ako naghukay, nagtanong lang. Totoong ang panahon ngayon ay internet age na. Marami kang kayang gawin dahil sa galing ng teknolohiya ngayon. Sabi nga ng iba, wala ka na ngang HINDI kaya gawin. Lahat ay posible. Tunay namang maraming dalang pakinabang ang makabagong teknolohiya ng makabagong panahon. Ngunit may mga bagay na hindi kailan man matatapatan ng siyensya.

Tulad nga ng nabanggit ko kanina, marami akong nakitang kayamanan ngayong araw na hindi ko lubos akalaing nandito lang pala mismo sa aking paligid. Matagal ko na dapat sinimulang magtanong nang nakuha ko agad ang mga ito. Akala ko kasi makikita ko "lahat" sa internet.

Simula bata pa kami, mahilig ang aking nanay na kuhanan kami ng souvenir. Madalas, napapagkwentuhan namin ng kuya ko (wala pa ang mga sumunod naming kapatid noon) ang hirap namin na ngumiti pag kinukuhanan kami ng litrato. Hindi kasi kami sanay na humarap sa kamera. Ang totoo nyan, hindi kami sanay ngumiti para sa iba. Hindi kasi kami lumaki sa pamilyang "showy" and "touchy". Isang patunay ay, nang ako ay lumaki na at kaya ko nang mag-alaga ng mas nakababatang pinsan o kapatid, madalas ay pinipisil ko ang kanilang pisngi dahil sa gigil. Naku, pag andiyan ang nanay ko o tatay ko ay hindi ko ito magawa. Pagsasabihan kase nila ako, "Huwag mong pisilan yan! Luluyluy ang mukha nyan!" Madalas pasigaw pa ito lalu na pag nakurot ko ng masakit ang mukha ng bata.
Birthday, Pasko, Bagong Taon, namamsyal sa Luneta, hanggang quarterly recognition at graduation, bitbit bitbit ng nanay ko ang kamera nya. Hindi siya mahilig kumuha ng litrato na tipong parang propesyonal. Actually, isa lamang siyang "propesyonal nanay-tographer". Picture dito, picture doon ang gawa niya tuwing kami ay aakyat sa entablado o kahit kami ay naggugupit lang ng damo gamit ang maliit na gunting.

Kanina, habang ako ay naghahanap ng ilan pang mga litrato ng aking kabataan, naisip kong marahil ay mayroon pa kaming mga gamit noong ako'y bata pa na naririyan pa. Dahil mga lumang litrato ang tinitingnan ko, naisip ko kaagad ang kamera. Tinanong ko ang aking nanay tungkol sa kanyang kamera. "Nasa papa mo, nakatago," sabi niya. Inintay kong magising ang tatay ko at agad kong tinanong. Sa wakas, iniabot niya sa akin ang isang maliit na bag. Pagbukas ko ay nakita ko ang kamera ng nanay ko.

Hinanap ko ito sa internet at natuklasan ko na ito ay Olympus Pen EE3. Original na gawang Japan ang kamera ng nanay ko. Hindi ito sira at talagang gumagana pa. Sa sobrang tuwa ko, hiningi ko agad sa nanay ko ito (sabagay, wala naman akong ibang kompetisyon dahil hindi naman gaano kahilig sa kamera ang mga kapatid ko). Ibinigay naman niya. Sabi niya mainam daw na pagpraktisan ito dahil "half-frame" siya. Ibig sabihin kung ang film mo ay maaaring kumuha ng 12 shots, pag gamit mo ang kamera nya 24 ang maaari mong kunin.

Bukas na bukas rin ay bibili ako ng film at susubukan ko kumuha ng litrato. Pag-aaralan ko rin kung paano idevelop ang mga litrato. Magtatanong ako sa Tito Lito ko! =)


Ping your blog

Titus, Self-winding Watch


Ang relos na ito ay pag mamay-ari ng aking tatay. Umaandar pa 'yan at nagagamit pa rin hanggang ngayon. Kitang kita naman sa mga gasgas nito ang dami ng taon ng pagsisilbi nito sa kanya. Tandang tanda kong ito ang gamit at parating suot ng tatay ko tuwing papasok sa trabaho simula noong bata pa ako. Ang tatay ko kasi ay parating aware sa oras. Palibhasa'y disiplinado at laging nasa oras, hindi ito maaaring umalis na hindi suot ang kanyang relo.

Kanina, habang naghahanap ako ng mga larawan na maaaring tumulong sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan, naisipan kong tanungin siya kung mayroon pa siyang natatagong bagay na kabilang sa 80's. Agad-agad siyang tumuro sa kanyang mesa at doon nakasabit ang isang matanda at gasgasing relo.

Ang tatak ng relo niya ay Titus. Ito ay self-winding, samakatuwid, hindi na nito kinakailangan ng baterya para umandar. Sinubukan kong hanapin sa internet ang modelo nito at baka sakaling may makuha pa akong ibang impormasyon tungkol dito. Ngunit, sa kasawiang palad ay wala akong natagpuan.

Inaamin niya na siya ay may fascination sa mga relo. Sa katunayan, habang kaming magkakapatid ay lumalaki madalas niya kaming bilihan ng relo. Naaalala ko tuloy noong ako ay grade 5. Usung uso ang Benetton at Boy London na relo. Dahil marami sa aking mga kaklase ang may suot na relo, nainggit ako. Pag-uwi ko sumimple ako sa aking nanay at tatay.. "Lahat ng classmate ko sa school may relo," sabi ko. Sumagot naman agad ang nanay ko "O, eh ang dami mo namang relos diyan ah." "E hindi naman yun ang uso eh. Puro Benetton nga ang suot nila at saka Boy London tapos yung akin Quartz lang," medyo asar pa ang tono. Natapos doon ang usapan.

Lumipas ang ilang araw at paparating na ang pasko. Sa aking pananabik, nagkaroon ako ng pakiramdam na reregaluhan ako ng relo ng tatay ko. Nang minsang wala sila at nasa opisina, binuksan ko ang kanilang aparador at inakyat ko ang pinakataas na shelf. Nakita ko ang isang relo...pero hindi siya Benetton o Boy London. Swatch siya. Nalungkot ako dahil hindi iyon ang inaasam asam kong relo pero natuwa ako dahil alam kong pinakinggan ng tatay ko ang walang kwenta kong paawa.

Noong una'y nahirapan pa ako sa aking bagong Swatch na relo dahil walang numero ito. Kinalaunan, dahil halos ako lang ang naiiba (bagong labas pa lang kasi ang Swatch noon), natutunan kong enjoying ang aking relo. Di nagtagal naging isang sikat na brand ng relo ang meron ako.

Ping your blog

Gwapings, The First Adventure

link: click VIDEO to watch
Thanks to lrpa911 for the upload

Ang Gwapings ang isa sa mga sikat na grupo noong early 90's dito sa Pinas. Binubuo ito ng tatlong kalalakihan na, ayon nga sa kanilang pangalan, ay mga binatilyong gwapo. Si Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari Yllana ang tatlong gwapings na nagpatili at nagpakilig sa mga kababaihan noon. Si Mark ay anak ng kilalang aktor at action star na si Rudy Fernandez kay Alma Moreno na isa ring kilalang artista sa Pilipinas. Si Jomari Yllana naman ay ang nakababatang kapatid ni Anjo Yllana, isa sa mga teen stars na sumikat din noong 80's. Si Eric Fructuoso ang tanging miyembro ng gwapings na hindi galing sa showbiz family. Ang gwapings ay unang lumabas sa Palibhasa Lalaki, isa ring sikat na tv program noong 80's na pinagbibidahan nila Richard Gomez, Joey Marquez, at Miguel Rodriguez. Dahil ang tatlong bida sa palabas na ito ay ubod ng macho at gwapo, naisipan nilang ipakilala dito ang, ika nga eh, "younger versions' nila, at ito nga ang gwapings. Dahil maganda at mainit ang pagtanggap ng manonood sa gwapings, hindi lamang sila sa telebisyon nakita. Ipinalabas ang kanilang unang pelikula na pinamagatang "Gwapings, The First Adventure" noong October 8, 1992. Si Mark ay gumanap bilang Bambi, si Eric bilang Archie at si Jomari bilang Mike. Ang pelikula ay naghandog ng adventure, comedy at horor. Tulad ng mga nausong tema noong 80's, may mga mananaggal din ang palabas kung saan ay nakaenkwentro ng gwapings. Di nagtagal, ang orihinal na tatlong gwapings ay nadagdagan pa ng isa. Si Jao Mapa ang add on na ito. Ang apat ay talagang gumawa ng pangalan at lubhang sumikat noong 90's. Ang unang pelikula ay nasundan pa ng mangilan-ngilan at ang mga palabas sa tv ay dumami rin.
Ngunit, kasabay ng kasikatan ay intriga. Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa mga personal na buhay nila. Nariyan siyempre ang tungkol sa kanilang mga naging girlfriend tulad nila Claudine Baretto, Abby Viduya (Priscilla Almeda), Joyce Jimenez at marami pang iba. First boyfriend ni Claudine si Eric bago pa si Mark. Si Abby Viduya naman ay naging girlfriend din ng dalawa sa gwapings. Si Joyce naman ay naging girlfriend din ni Eric.
Matagal ding hindi gumawa ng pelikula at palabas ang apat. Ngayon, halos lahat na sila ay pamilyado at may mga anak na. Mapapanood pa rin sila paminsan minsan thru tv guestings.


related links: ISTOKWA,
Thanks to nostalgic90 for the upload


Ping your blog

Baywatch (TV)

link: click VIDEO to watch
Thanks to canalcoutt for the upload


Siyempre tulad din ng ibang bata, lumpias ang panahon at di ko namalayang ang 80's ay nakalipas na. Maraming naging pagbabago sa pagdaan ng panahon tulad na lamang sa telebisyon. May ilang mga bagong palabas ang sumulpot, ang mga luma naman napalitan, ang iba nanatili. Kung dati ay black and white lang ang tv, naging colored na ito nang malaunan. Kung dati'y puro pelikulang pinoy o palabas lamang ang napapanood, unti-unting naiplabas ang mga palabas ng mga dayuhan oang mga tinatawag nating "foreign" shows. Naging sikat ang mga dayuhang artista, lalu na ang mga taga-Amerika, sa ating bansa. Hindi nagtagal nakilala na rin natin ang salitang Hollywood at ang mga taong kabilang dito. Isa sa mga naging paborito kong palabas na "foreign" noong mga early 90's ay ang Baywatch. Una, dahil sa ito ay pinapanood din ng aking mga magulang, napanood na rin ako. Sinasamantala naman ng aking mga magulang ito bilang oras na kami ay paalalahanan ng mga pag-iingat pagdating sa tubig. Mahilig kasi kami noon na magswimming. Tuwing sasapit ang bakasyon umuuwi kami sa Laguna dahil naroon ang mga kamag-anak ng lolo at lola ko. Pangalawa, gustong gusto ko ang palabas dahil nakikita ko na rin kung ano ang itsura ng tate. Marami kasi kaming kamag-anak na nagmigrate doon at ilan na sa mga ito ang mga pinsan kong nakasama ko sa paglaki. Tandang tanda ko sina Mitch Buchannon (David Hasselhoff), CJ Parker (Pamela Anderson), Stephanie Holden (Alexandra Paul), Matt Brody (David Charvet) at Hobie (Jeremy Jackson. Ilan lang sila sa mga cast pero sila ang pinakanaaalala ko. Sino ba naman ang makakakalimot sa bidang lifeguard na si Mitch na may kaisa-isang anak na si Hobie? Dedicated sa trabaho at mabuting ama sa kanyang anak. Siya ang bida sa palabas na ito. Si Stephanie ang isa sa mga naging love team ni Mitch sa palabas. Isa rin siyang lifeguard sa baywatch. Si Matt Brody naman na ginampanan ni David Charvet, ang isa sa mga gwapong lifeguards, ay ang asawa ni Brook Burke. Si CJ PArker naman ay talagang nakaagaw pansin sa mga manonood ng palabas noon. Sabi nga nila, maganda at talaga naman sexy si CJ. Naging sikat ang aktres na si Pamela Anderson dahil sa Baywatch at kinalaunan ay naging isa sa mga girlfriends ng mga sikat na aktor o rockstar (Tommy Lee, Kid Rock) ng Hollywood. Di rin malilimutan ang opening theme ng tv series na ito. Sa aking palagay, maging sa Amerika ay naging iconic ang palabas at ang kanta. Naggagandahan at naggwagwapuhang mga lifeguards ang sabay sabay na tumatakbo sa beach sa umpisa ng kanta. Sino nga ba ang hindi napa"wow" sa kanila???

Panigurado akong malinaw pa sa iyong alaala ang palabas na ito. Kung nais ay bisitahin ang link sa itaas para mapanood muli ang palabas.
Ping your blog

Thursday, December 24, 2009

The Love Bus...soon will be making another run...

Any memories of seeing this bus on the road? As far as I know, this was the first airconditioned, no-standing bus at that time. This was a product of the former first lady Imelda Marcos' idea of "improving" our country. Love bus. I love the name! Makes me think of a bus full of teenagers (and even adults) making the name of the bus a reality. =)


Ping your blog

Wednesday, December 23, 2009

Batang 80's Ka Kung...

orihinal na gawa ni: 80's Pinas

1. ...mabentang mabenta at gamit na gamit mo ang "Ako-maba" joke.
2. ...sinayaw mo sa isang school programme ang "Name Game".
3. ...Otto o Greg's ang sapatos mong pamasok.
4. ...inabutan mong P2.50 ang pamasahe para sa mga nagtatrabaho at P2.00 lang sa estudyante.
5. ...ang nanay mo ay sa palengke bumibili ng fresh goods at sa grocery pag dry goods (ngayon kase sa grocery na lang)
6. ...Shoemart ang tawag mo sa SM at SM North pa lang ang mall sa QC noon.
7. ...inabutan mo ang ice cream na may brand na Coney Island, wala pang Selecta noon.
8. ...naadik ka magcollect ng stickers tapos may Panini album ka pa.
9. ...meron kang dalawang pisong papel at octagon sa wallet mo.
10. ...bumibili sa Divisoria ang nanay mo ng blouse o polo mo na pang uniporme o pag may dance number ka sa school.
11. ...bungalow type ang bahay nyo, kung may second floor..hanggang second floor lang.
12. ...alam mo ang dragon katol at Sierratone bed.
13. ...libangan mo ay magbike at para sikat BMX ang dapat sa iyo.
14. ...di ka nalilito sa mga palabas na Daimos, Voltron at Voltes V.
15. ...you do the carebears countdown, 5, 4, 3, 2, 1!
16. ...kilala mo si Lola Torya at natakot ka kay Luka.
17. ...sa pagkakaalam mo si Chichay si Lola Basyang .
18. ...ang channels lang ng TV nyo ay 2, 4, 7, 9 at 13.
19. ...tuwing pasko, Cinderella, Snow White, Bambi o Sleeping Beauty ang napapanood mo sa TV.
20. ...mahilig ka sa kahit anong neon--neon shirt, neon shorts, neon socks... NEON EVERYTHING!
21. ...nakakain ka sa Goodah (just add one egg!).
22. ...nilalagyan mo ng itlog ang sarsi mo.
23. ...kilala ng tatay mo sina Rudy Distrito, Bogs Adornado, Samboy Lim at "Jawo" ang tawag nya kay Jaworski.
24. ...tuwing umaga ay humahangos ka para di ma-late sa "Bayang Magiliw" at "Panatang Makabayan".
25. ...pinabibili ka ng Coke LITRO sa tindahan, hindi 1.5.
26. ...alam mo ang Lunch Break bukod sa Eat Bulaga.
27. ...kilala mo sina Alvin, Simon at Theodore pati na rin si Dave.
28. ...nakakita ka ng caravan na hila hila ng baka tapos may mga tindang native products made out of rattan.
29. ...pinapasalubungan ka ng chizcurls, chippy o nips ng parents mo.
30. ...mahilig kayong rumenta at manood ng Betamax .
31. ...inabutan mong bentesingko lang ang isang candy o bubble gum.
32. ...Quartz ang tatak ng wall clock nyo.
33. sikat na laruan ng lalaki ang matchbox at barbie o Caroline dolls naman sa babae.
34. ..sa PhotoMe ka nagpapapicture para sa school ID.
35. ...gumawa ka ng windmill mula sa papel tapos kumanta ng "Umihip tulad ng Hangin"
36. ...ang birthday cake mo ay binili sa Goldilock's o Joni's.
37. ...adik ka magcolor at mag dot-to-dot sa coloring book mo.
38. ...Kodak ang sikat na film ng camera.
39. ...naipasyal ka sa Luneta, CCP o Manila Bay.
40. ...nagpabili ka ng High cut na rubbeshoes para in.
41. ...Sanyo ang tatak ng TV nyo.
42. ...Px ang tawag nyo sa imported na padala ng mga relatives nyo galing Tate.
43. ...sikat sa'yo si Snoopy at Garfield.
44. ...alam mo ang Brown Cow (it's everybody's milk).
45. ...bago pa ang 3 o'clock habit nang mapanood mo.
46. ...inabutan mong pwedeng SRO (standing room only) ang mga sinehan kaya sa sahig na lang kayo umupo at naghintay ng tatayo para mabakante. Pwede rin paulit-ulitin ang nood sa isang araw, bahala ka na.
47. ...gumamit ka ng Kilometrico, Reynold's o Panda ballpen. Mahal pa ang Pilot at Tombow.
48. ...scented statio na gamit mo, scented pen pa!
49. ...8 crayons lang ang crayola mo, 16 marami na.
50. ...may Childcraft at encyclopedias sa bahay nyo.
51. ...sikat ka kase water-resistant ang relo mo.
52. ...gumagamit ka ng salbabidang gulong pagnagsiswimming pag bakasyon.
53. ...nakasakay ka sa Love Bus at inabutan mong bihira pa ang aircon bus.
54. ...napanood mo ang commercial ni Carmina Villaroel ng Jollibee na siyang naglaunch ng kanyang career (mahirap talagang umakyat ng ligaw, parang gusto ko nang magtago at matunaw...).
55. ...sinasabayan mo ang parte ng commercial na "Di lang pampamilya, pang isports pa! (CLING!).
56. ...inabutan mong green o orange lang ang mga letra sa screen ng PC.
57. ...alam mo at nangarap kang makapunta sa Goya Fun Factory.
58. ...alam mo ang Cindy's at Tropical Hut Hamburger.
59. ...uso ang Burger Machine at Smokey's na kainan at tambayan.
60. ...kilala mo si Papa Smurf at Smurfette.
61. ...si Lou Diamond Philips, Ernie Reyes Jr. at Banig pa lang ang pinoy sa Hollywood.
62. ...bukod sa Chikadiz, na-hook ka rin sa Pee-Wee at Pritos Ring.
63. ...bingo, monopoly at scrabble ang ilan sa inyong mga gameboards sa bahay.
64. ...3D Standard ang tatak ng rice cooker nyo.
65. ...spartan o rambo ang tsinelas mo (na minsan pinamamalo rin sayo!).
66. ...marami kang kalarong kapitbahay pagsapit ng alas-kwatro tapos uwian na kayo pag ala-sais na.
67. ...Mister Donut at Dunkin Donuts lang ang bilihan ng donut noon, crispy kreme non existent pa.
68. ...Ali Mall ang pinakasikat na mall and Greenhills is the place to be.
69. ...kilala mo si Rose Ann Gonzales, Bamba, Strawberry at Em-em Mabanglo.
70. ...napatawa ka ng sic o'clock news.
71. ...5pm-7pm ang primtime sa TV noon tapos 9pm-10pm ang late night shows.
72. ...tumatak na sa isip mo ang tunog ng The World Tonight (tununununununun, tunununununun, tunununun, tunu-nunt-nunt-nunt)
73. ...kahit magsigawan kayo di kayo magkarinigan tuwing Bagong Taon dahil sa dami ng paputok.
74. ...umiinom ka ng Milo, Ovaltine, Sustagen o Magnolia Chocolait tuwing umaga.
75. ...may pair ng Rayban shades ang erpats mo.
76. ...may T-shirt kang may pangalan mo na nakaimprenta tapos may bata.
77. ...nagpapainit ka ng tubig sa takure o kaldero para pang ligo (wala pa kaseng heater).
78. ...bukod sa patintero, shato at taguan, naglalaro rin kayo ng "Mother, may I cross the bridge?".
79. ...naihi ka sa takot sa Shake, Rattle & Roll.
80. ...si Angelique Lazo pa ang sikat na showbiz reporter sa mga news.
81. ...si Inday Badiday ang reyna ng chismis kaya nanonood ang nanay mo ng Eye to Eye.
82. ...sikat pa noon ang Aristrocat.
83. ...may pencilcase kang maraming pindutan tapos pag pinindot mo may bigla na lang lalabas o bubukas siya.
84. ...100 peso bill na ang pinakamalaking pera.
85. ...PNR at LRT pa lang ang tren noon.
86. ...Safeguard o Lifebuoy ang sabong panligo mo.
87. ...si Lydia De Vega pa ang fastest woman in Asia.
88. ...naging expression mo ang "Period! No erase!".
89. ...gumawa ka ng sarili mong saranggola saka pinalipad.
90. ...bukod sa Coke at Sarsi, uminom ka rin ng Fanta at Mirinda.
91. ...nanonood ka ng Inspector Gadget, Teddy Ruxpin at Duck Tales.
92. ...alam mo ang kid's show na double dare at Fun House (finder's keepers).
93. ...kung siopao ang usapan Kowloon at Ma Mon Luk ang bilihan.
94. ...kilala mo si Bert "Tawa" Marcelo dahil nanonood ang nanay mo ng Tanghalan ng Kampeon.
95. ...alam mo ang "Apir! Disapir! 1/2, 1/4, 1/4, 1/2, Disapir! Apirrrrr!!!".
96. ...sikat na sikat ang 8 o'clock, KoolAid at Sunny Orange bilang juice.
97. ...ang kulay ng mga ilaw nyo sa bahay ay dilaw, hindi puti.
98. ...nagpapalakihan kayo ng plastic balloon.
99. ...sina Hulk Hogan, Ultimate Warrior, Ravishing Recrude, Bambam Bigallow at Undertaker pa ang sikat na wrestlers noon.

Subukan mo kayang sumulat ng 1-99 sa iyong papel. Tapos, basahin mo ang bawat bilang at kung natatandaan mo pa ay bilugan ang bilang nito. Sabihin na nating ang makakuha ng 90-99 na bilog ay tunay at talagang aktibong batang 80's. Ang makakakuha naman ng 70-89 ay batang 80's na nakalimot. At ang makakakuha ng mababa sa 69 ay maaaring hindi lang talaga in-touch sa kanyang past. =)

Anong klaseng batang 80's ka kaya???

Ping your blog

Tuesday, December 22, 2009

"Oyo Boy kase eh, ang tagal!"

Back when I was a young kid, I have this severe passion for ballet. If I remember it right, it started when I saw a commercial in IBC 13 and one of the scenes is a group of filipina ballerinas in their toeshoes dancing. That's when I thought, dancing ballet is really an art. So I told my mom about my desire and she first enrolled in UP. I was seven then. I was so happy everytime I go to lessons and dance. My brother & I, then, used to take piano lessons in UP (abelardo Hall) as well. My mom bought me my first pink leotards, tights and ballet shoes.
But after a year of dancing ballet, my mom told me that since UP ballet was new then, they do not have recitals yet. In short, no ballet performances for the dancers yet. I got disappointed because, as a hardworking and dedicated ballerina, I wanted to share my art to others and be recognized as a good dancer. So I told my mom to scout for other ballet schools and she found Halili Cruz School of Dance in Quezon Avenue. She said they hold recitals for dancers and so she enrolled me there.
While taking lessons there, I made acquaintances. One day, as we were having our lessons in the studio, a young girl of my age sat beside me. She asked "Anong nangyayari?" I said "Mag-uumpisa na." At that time, people have been talking about Ciara Sotto (the daughter of Sen. Tito Sotto) as one of the pride of Halili Cruz. She's a level or two ahead of me and she has been dancing in major dances of the recitals. I've been hearing a buzz from the mommies as well about Ms. Dina Bonnevie. One time, I heard my mom and dad talking about how pretty she is and how a small face she has. And so I have been on the look out for the hopes of seeing her in the ballet school. The next day of ballet class, my new found friend came again. Her name is Danica. She's was very friendly, approachable and very natural. Later on I found out, after a few conversations every now and then during our breaks, that she is the daughter of Ms. Dina Bonnevie, hence, the daughter of Vic Sotto as well.
One time she came in late, the class had already begun, and she was a little bit embarassed. She sat right next to me and told me that they fetched Oyo Boy (whom back then, is not yet an artista) from Ateneo. "Si Oyo Boy kase eh, ang tagal!" She was kinda' irritated over the fact that Oyo Boy made them wait and so as a consequence she was late for ballet class. She didn't attend the school for long. She often missed dance lessons maybe because her mom was busy and no one will take her to and fro. Ms. Dina brings and fetches her in ballet school from time to time.
I continued taking ballet lessons for up until I was 11. I accidentally stopped when part of the school got hit by the fire of the building next to it. During my stop, I began to get interested in volleyball and played the sport up until college. But I will never forget the friend I found in the little girl who happens to be the daughter of two famous filipino actor and actress. She was indeed grounded considering her status. =}

Monday, December 21, 2009

Magic Temple

link: click VIDEO to watch the WHOLE MOVIE
Thanks to romeo8560 for the upload

Ang pelikulang ito ay unang ipinalabas sa mga sinehan noong 1996. Ito ay kwento ng tatlong batang may kaniya-kaniyang angking kapangyarihan na nakatakdang iligtas ang kahiran ng Samadi at ng kanilang mundo. Sila ay sina Jubal (Jason Salcedo), Sambag (Junell Fernando) at Omar (Mark Solis) na napunta sa ilalim ng gurong si Sifu (Jun Urbano). Ayon kay Sambag at sa nalalaman ng nakararami sa kanilang bayan, si Sifu ay mabait, may pambihirang taglay na talino, kapangyarihang pisikal at ispiritwal. Kaya naman ang mga magulang ng mga batang nagpapamalas ng kakaibang galing sa kanilang mga kapangyarihan ay naglalayong maipagkatiwala kay Sifu ang kanilang mga anak.
Nagkaroon ng isang kaguluhan sa matahimik at mapayapang kaharian ng Samadi. Naririto kase ang timbangan ng balanse ng katahimikan sa mundo ng Samadi at mundo ng mga tao. Isang malupit na mandirigma, si Ravenal (Jackie Lou Blanco) na nagtatangkang maghari sa parehong mundo, ang gumalaw ng balanse. Walang ibang magawa ang kaharian dahil sa tindi ng itim na kapangyarihang taglay ni Ravenal. Nagpadala ang hari (Coco Trinidad) ng isang mensahero (Chubi Del Rosario) upang ipagbigay-alam kay Sifu ang nangyayari sa palasyo. Imbis na si Sifu ang pumunta upang tumulong, isinugo niya ang kanyang tatlong disipolo. Nagsimula nang maglakbay ang tatlong batang mandirigma patungong Samadi. Sa daan, marami silang nakilalang mga bagong kaibigan. Si Telang Bayawak (Ms. Gina Perreno), kahit anong gawing pagbitay sa kanya ng mga tao ay hindi mamataymatay. Nakilala rin nila si Jasmin (Anna Larucea), isang batang multo na hindi pa matahimik dahil hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang mga buto na nasa kamay ni Diablong Bungo (Michael Arguelles).
Ang pelikulang ito ay ipinalabas matapos ang dekada otsenta na nagbibigay ng saya at gintong aral tulad ng mga palabas noon. Dahil si Direk Peque Gallaga din ang direktor nito (direktor din ng Once Upon A Time 1985 ni Dolphy), may aurang 80's din ito. Kababalahaghan at mahika ang ilan sa mga instrumento ng palabas na kahalintulad din ng mga nausong palabas noong araw.
Maaaring panoorin ang buong plabas sa pamamagitan ng link sa itaas.
Watch: Magic Kingdom - Ang Alamat ng Damortis (teaser)

Related Article: 80's Pinas ONCE UPON A TIME
***No copyright infringement intended***

COKE 80's

link: click 1, 2, 3 (3-Lilet's Coke Commercial) to watch videos
Thanks to oonai5000, Mahinn, bclrke
Coca-Cola, the brand of softdrinks that will forever be in every filipino's heart. Kaninong pamilya ba ang hindi sinamahan ng coke sa lahat ng tanghalian, meryenda o hapunan? Mapabirthday, binyag, simpleng get together lang at outing ng bawat pinoy, COKE ang kasama! Noong 80's ang panahon na kung saan ang COKE LITRO ang suking panauhin ng bawat pamilya. Nauutusan pa ang mga bata noon na bumili sa tindahan dahil hindi naman gaano kadelikado. Karaniwan ang tindera ng sari-sari store sa inyong lugar ay bihadong kakilala ng iyong nanay dahil kapitbahay nyo sila. Hindi tulad ngayon na 2.5 litres ng plastic bottled coke ang binibili, uso noong araw ang case case ang pagbili ng coke. Naalala ko tuwing may party dito sa amin, maraming case ng coke ang dinideliver sa bahay. Mura pa kasi ito at hindi pa ganon kahirap ang buhay. Siyempre, suki din ang Coca-Cola Plant ng mga estudyanteng nagfifieldtrip. Itu-tour kayo sa loob ng planta para ipakita kung paano ginagawa ang paboritong softdrinks ng bayan. Dati nga, nung nagfieldtrip kami dito, ang gamit pa namin bus ay yung mga sinauna. Yung mga bus na talagang kwadrado at makanto tapos d pa naka-aircon. Sa Laguna kami noon nagpunta. Pila-pila kayong pumapasok ng plantasyon at isa-isa kayong namamangha sa nakikita. Uso pa dati ang pangongolekta ng tansan, kasi pag tinuklap mo ang nakatakip sa ilalim nito maaari kang manalo ng premyo. Naaalala ko pa kung gaano ako madismaya tuwing tuklapin ko ito at wala akong nakuhang premyo. Tuwing may mga pa-contest din sa tv noon, mga tansan ang karaniwan nilang ipinalalakip sa papel na mayroong iyong pangalan, edad at address. Sa sobrang nasanay ako sa pag-inom ng coke, dumating sa puntong parang hindi na ako gaano natatapangan sa kanya at iniinom ko na lang siyang parang tubig. Naging sikat din ang laruang dancing bottle ng coke. Sa pagkakatanda ko, sasayaw ito pag nakarinig ng tunog. Talagang naging "craze" ang ganitong klase ng laruan noon. May mga dancing sunflower pa nga na sumunod dito. Hindi ko rin malilimutan na tuwing may uutusang bumili ng coke sa tindahan, talagang magyayaya ito ng kasama para may kakwentuhan pabalik ng bahay. Tapos ingat na ingat kang maalog ang coke para pag binuksan na ito hindi aapaw ang bubbles at hindi mababawasan ang coke.
Ngayon, mas uso nang bumili sa grocery store at hindi sa sari-sari store. Mas uso na ngayon 2.5 litres ng coke kaysa sa Coke Litro. Marami nang mas uso ngayon kaysa sa mga uso noong 80s. Pero nanatili pa ring uso ang COKE sa lahat pinoy hanggang ngayon.

Related Link: Coca-Cola 90's Christmas Commercial
Thanks to Adman1909 for the upload

***No copyright Infringement Intended***

Robocop, Boom!

link: click VIDEO to watch
Thanks to THX1968 for the upload

Isa ito sa mga sikat na foreign film noong 80's. Isa siyang action flick na may pagkafuturistic ang tema. Ito ay kwento ng isang pulis na walang awang pinatay at pagkatapos ay binuhay muli sa isang katawan ng robot. Robocop is a combined word of robot and cop.
Noong araw, kahit ngayon, hindi mahilig ang aming pamilya na magpunta ng mga malls o manood ng sine. Ngunit noong ako'y bata pa, masipag ang aking tatay na mag-uwi ng mga hiniram nyang betamax tapes. Mahilig din naman kasi siyang manood ng mga palabas. Kaya nga lang, palibhasa'y pareho silang nagtatrabaho hindi na nila makuha pang ipagpalit ang dalawang araw na pahinga para lang sa pamamasyal sa mall at panonood ng sine. Tuwing Sabado, pag gising namin ng mga alas nuwebe, luto na ang agahan at nandiyan na ang mga tapes na aming panonoorin. Kuntento kami sa ganitong set-up. Nasa bahay ka lang, kumakain at nanonood. Pero isang beses naisipin ng aming mama at papa na dalhin kami ng aking kuya sa SM (North Edsa). Hindi ko na malaman kung dahil sa kami ay may importanteng bibilihin o dahil lamang sa gusto nilang magrelax kaya kami nagpunta. Tapos, naisipan ng tatay ko na papanoorin kami ng sine dahil noong mga panahong iyon sikat ang palabas na Robocop. At ayun na nga, buong pamilya kaming bumili ng ticket at pumasok sa loob ng sinehan. Di katulad ng mga sinehan ngayon na garantisadong may upuan ka na kaagad, noon ay maaaring "SRO" ang isang sinehan. SRO, meaning, Standing Room Only. At pwede mo rin ulit-ulitin ang palabas ng ilang beses kung gugustuhin mo. Kung sakaling SRO ang dinatnan mong sinehan, maaari ka na lamang umupo sa sahig kung ayos lang sayo o di kaya naman maghihintay ka ng aalis at may bakanteng upuan. Maswerte naman kami at nakaupo kami kagad para panoorin ang palabas. Tuwang-tuwa naman kami sa aming experience na manood ng isang palabas sa loob ng sine at hindi sa loob ng kwarto ng aming nanay at tatay. Maganda ang palabas. Maaawa ka sa bida (Alex J. Murphy na ginanapan ni Peter Weller) dahil sa kanyang pagkamatay at mamangha ka rin sa setting ng palabas dahil kunwari ito ay sa future. Madadala ka ng habulan ng bida at ng mga kalaban. Mapapaiktad ka rin tuwing sila'y nagbabarilan. Dalang dala kami ng palabas nang biglang "BOOOOOMMMM!!!!"...di, actually, may biglang nakakasilaw na spark sa aisle ng row ng mismong aming kinauupuan. Talagang hindi napigilan ng mga manonood ng palabas na magtakbuhan at magpanic. Para kasing may pagbabantang pagsabog ang spark na iyon. Nagkastampede sa loob ng sinehan! At dahil biglaan ang paglabas ng mga tao, siksikan sa mga exits nito. Buti na lang, ang aking tatay noong panahon ay malaki ang katawan at talaga namang physically fit, isinandal niya kaming mag-iina sa dingding at saka unti-unti niya kaming inuusog papalit sa exit. Tulakan ng tulakan ang mga tao dahil sa takot at pagmamadaling lumabas. Malakas naman ang tatay ko at hindi siya naitulak ng mga tao. Di na namin namalayan ay nakalabas na kami ng sinehan. Buhay pa kami!! haha.. Minsan na nga lang kami nanood eh traumatic pa yung experience. Simula noon talagang betamax na lang ang aming inaabangang mapanood.

Ngayon? Nanonood naman kami ng mga kapatid ko ng sine.. ang mama at papa ko?? Di ko lang alam! =]

Ronnie! Hi, Ronnie Ricketts!


Mr. Ronnie Ricketts..in the world of showbiz, Mr. Ronnie Ricketts is a well-known action star. Aside from that talent, he is also known as a good person and a good family man. I was watching an episode of Spoon one day, the one hosted by Ms. Janice De Belen, and their guest for the day was Mr. Ronnie Ricketts and his beautiful wife Mariz. The episode went really well as usual like in every episode of Spoon. They shared wonderful stories and reminisced about their yesteryears. As I was watching the episode, I got reminded of a funny yet very pleasant memory I have with Mr. Ronnie Ricketts.
Back in the 80's when I was still young, I used to take ballet lessons in Halili Cruz in Quezon Ave. Afterwards, I will go to attend my Kumon in a building in West Ave. When my mom and I got off the jeep, she started waving her hand to someone across the street. Right infront of the building where I used to take Kumon classes is a car repairshop. Due to my curiosity, I looked back and started figuring out who my mom was waving at to. Seeing who he was, I told my mom "Ma,ano ka ba?!" I was like telling myself, Mr. Ronnie Ricketts would never waste his time to wave his hand to us. As I stood there for minutes, I watched him finish things up with a mechanic and my mom still continuously waving her hand to him. Then, he went inside his Pajero and shut the door. I was like, to my self, "He'll never be that rude, would he?" But then the window of his car rolled down, he stretched his neck out of the window, smiled very warmly and waved his hand to my mom as if he was saying that he knew she was waving her hand all along. That really touched my heart.
As I was watching that episode of Spoon, what they say about Mr. Ronnie Ricketts being a good guy and all and what behavior he showed during the show solidified in me that he indeed is a good person. I'm so glad to have that memory of him. He made it clear to me that even if a person is famous and indeed a big star, there will always be a big possibility that he is still grounded and humble. =]

link: Once Upon A Time movie with Ms. Janice De Belen

Magnolia Ice Cream

Ilang fieldtrips na rin ang pinagbigyan ng Magnolia Corporation lalu na sa kanilang Magnolia ice cream factory. Madalas kase noon, puro educational ang mga fieldtrip sa school. Zoo o kaya factory ang madalas binibisita ng mga bata noon. Layunin kasi parati ng mga guro noong araw na matuto ang mga bata tungkol sa kanilang paligid at sa kanilang mga nakikita, ginagamit o nakakain sa pang araw-araw. Ang nasa larawan ay ang lumang Magnolia ice cream factory. Nakapunta rin ako rito at ang kuya ko dahil sa fieldtrip. Talagang kilalang kilalang household brand ang Magnolia. Kapag ice cream ang usapan, hindi maaaring hindi Magnolia ang unang salitang papasok sa iyong isipan. Ang mga produkto ng Magnolia ay naging bahagi ng halos lahat ng umaga ng bawat pamilyang pilipino noong 80's. Ang Magnolia Chocolait o kaya Milk ang karaniwang pamatid uhaw tuwing agahan. Hindi katulad ngayon, ang mga inuming ito ay nakalagay sa signature bottle na ito ng Magnolia. Ang takip niya ay papel at hindi tanzan. Palibhasa, sa aking palagay, dahil mas inaalala pa noon ng mga manggagawa ang kalusugan ng bawat konsumer, iniiwasan nilang gumamit ng plastic na hindi na marerecycle o kaya tanzan na may posibilidad na mangalawang. Tandand tanda ko pa, tuwing magbubukas ako ng ref at may bote ng Magnolia chocolait drink sa loob, gising na gising na ako at sabik na sabik kumain. Dahil ang mga magulang ko ay parehong nagtatrabaho, madalas ang aming Sabado at Linggo ang oras ng pamilya. Siyempre 80's, nanonood kami ng betamax, kumakain ng meryendang luto ng aming nanay at ang highlight ng araw ay pag may uwing ice cream ang aming papa. Talagang enjoy na enjoy namin ang pagkain ng icecream habang nanonood ng nirentahang betamax ng aming tatay sa loob ng kanilang kwarto. Madalas, pag magkakasama na kaming lahat, ang palabas ay karaniwang ang gusto ng aming mama o papa. Ngunit madalas din ay pambata ang palabas tulad ng ET. Naaalala ko pa ng mapanood namin yon. Suki rin kami ng mga Benji movies. Mahilig rin kasi sa aso ang tatay ko. Ganoon kami magrelax noon bilang pamilya. At ang Magnolia ay naging saksi at bahagi ng aming buhay noong 80's...

Takot ako eh...sa kalbo

Tandang tanda ko pa nang mapanood ko ang palabas na ito kung saan talaga namang kinaaliwan ng lahat ang batang si Matet. Akala ng marami sa Halimaw sa Banga sinabi ni Matet ang pamosong linyang "Takot ako eh" pero ang katunayan niyan ay dito sa palabas na ito niya iyon sinambit. Kung pamilyar kayo sa foreign movie na Mommy Market (Sissy Spaceck), may ganitong tema din ang palabas na ito. Sa pamamagitan ng time machine na ginawa ng kanilang tatay (Jaime Fabregas) ay tinatangka nitong ibalik ang kanilang yumaong ina. Kaya ko ito naalala dahil sa isang nakakatawang experience ko noong bata pa ako.
Noong panahon ng 80's hindi pa gaano busy ang mga magulang noon, di gaya ngayon. Kaya madalas naisasama ako ng mama ko sa palengke. Malilinis ang mga palengke noon at di mabaho pwera na lamang kung pupunta ka sa tindahan ng mga isda, maaamoy ng konti ang lansa doon. Pero sa kabuuan, malinis at maayos ang mga palengke noon. Nakatira kami sa West Fairview noon kaya sa Fairview market namimili ang mama ko. Palibhasa'y dadaan kami sa tindahan ng ice cream pagkatapos mamalengke, pinipilit ko talagang sumama sa kanya. Naaalala ko pa na ang paborito naming dalawa ay ang pinipig crunch ng Magnolia. Malaki di hamak kaysa sa mga tinitinda ngayon na pinipig crunch ang binibili namin sa tapat ng palengke.
Habang hawak hawak ako ng mama ko, natanaw ko sa di kalayuan ang isang tinderong kalbo. Talagang wala nang buhok si Manong. Ang totoo nga nyan kahawig na kahawig niya si Mr. Bembol Roco lalu na nung nagcameo siya sa Bagets 2. Hindi ko na maintindihan ang aking mararamdaman dahil doon sa gawing iyon patungo ang nanay ko. Nang maramdaman kong hindi mababago ang patutunguhan namin, bigla na lang daw akong pumalahaw ng iyak sabay sigaw ng "AYOKO NG KALBO! AYOKO NG KALBO!! AYOKO NG KALBO!!!". Akala mo'y may kinatay na baboy sa lakas ng aking paghugulgol dahil lamang sa mamang tinderong kalbo na nananahimik naman kasama ang kanyang mga paninda at hindi naman ako inaano. Hindi ko na matandaan ang nangyari pagkatapos noon, kaya't ngayon, madalas pag gusto kong matawa, pinapakwento ko ulit sa mama ko kung anong nangyari noong araw na iyon. Tapos tinatanong ko kung ano ang reaksyon ng kawawa't pobreng kalbong tindero. Sabi ni mama, palibhasa'y alam naman raw na bata ako ay hindi dinamdam ng manong ang aking pagwawala. =]

Kamusta na kaya siya ngayon? Naaalala pa rin kaya niya ako???

Larong 80's QUIZ

Ano na nga ba ang naaalala nyo sa mga laro noong 80's??? Subukan ang powers ng inyong memorya at alaala sa aming Larong 80's QUIZ.

Kumuha ng papel at isulat ang inyong sagot. Makikita sa CONTENT bar sa left side ng blog page ang link na ANSWERS TO THE QUIZ...

Simulan na natin!

1. Kumpletuhin ang verse na ito... "Tagu-taguan sa ilalim ng buwan kay sarap maglaro sa _______________________".

2. Tama o mali. "Jack en poy! Hali-halihoy! Sinong matalo siyang unggoy! Wala sa harap, wala sa likod, wala sa gilid! Games???"

3. Kumpletuhin: "Langit, lupa, impyerno. Im-im-impyerno! ________________________. Patay. Buhay. U-ma-lis-ka-na-nga-di-to!"

4. Ano ang unang mga salita sa kanta pag naglalaro ng jumprope? Yung tipong may mga kalaro ka na nag-iikot ng jumprope at susubukan mong pumasok at tumalon sa loob nito.

5. Tama o Mali. "Monkey, monkey, Anabel. How many the monkey did you see?"

6. Duktungan ang verse sa number 5. "____________________________. Ispell yes, Y-E-S. Ispell no, N-O and out you go!"

7. Anong tawag sa manlalaro sa patintero na imbis na horizontal ang takbo nito sa pagbabantay ng kalaban ay vertical ito?

8. Ano ang pangalan ng laro na kung saan ay may taya na nagbabantay ng lata (o kahit bote) at ang iba ay gagamit ng tsinelas para patumbahin ito?

9. Wala pa ang PS, PSP, Xbox at Wii, meron na tayong mga 80's kids nito? (Gadget tulad ng mga nabanggit)

10. Alin ang hindi 80's gameboard?
a. Monopoly
b. Snakes and Ladder
c. Uno Cards
d. Sudoku

Palagay ko'y nadalian lamang kayo sa ating quiz. Handa ka na bang icheck ang iyong sagot?

link: ANSWERS TO THE QUIZ

80's Featured Foreign Film

link: click the TITLE for the MOVIE PLAYLIST OF RETURN TO OZ
Thanks to BardandQueen for the movie upload

The Return to Oz
Walt Disney Pictures
1985

You may have seen this movie in betamax back when you were still young. The least, you may have heard it from friends. This 1985 movie produced by Walt Disney Pictures is a semi-sequel of the 1939 movie, The Wizard of Oz. The young dorothy who played in this movie is actress Fairuza Balk who we would often link to the witchy character in the craft. The story of the movie took off as Dorothy returning back to Oz only to find out that things aren't the same anymore. Worse, things in Oz definitely do not look right. She saw thatthe yellow brick road was broken, the Scarecrow who should be ruling Oz is missing, the Emerald City lost all its emeralds and there are wheelers everywhere! With the help of Billina, Dorothy's talking chicken, she sets off to solve everything to put back her beloved Oz back to its beauty. As she encountered the wheelers, she used a key she found when she was still in Kansas to open a secret wall to hide. In it, she met Tik-Tok, the royal army guard of Oz. Tik-tok is a clockwork robot. He helped Dorothy escape from the wheelers to reach Princess Mombi's castle, who is very much like an evil witch. Mombi can change her appearance according to her wish by putting on a head that she likes among the 31 in her possession. Knowing that Dorothy could post hindrance to her absolute ruling over Oz, she locked Dorothy and Billina in the attic. As chance have it, they met Jack Pumpkinhead who claims to be made by his mom to scare the witch-like princess (Mombi). Jack helped Dorothy build a flying machine using the head of a gump and the powder of life, the very same powder that Mombi used to bring Jack to life as an experiment and the one that Dorothy stole from her. The Gump was brought to life because of the powder and they managed to escape Mombi. But as their luck ran out, they crashed right into the Nome King's mountain. As what Mombi told Dorothy, the Nome King was responsible for all the things that had happened to Oz. Dorothy faced the Nome King in attempt to free Oz from darkness and as she cried the Nome King pitied her. So she and the others were given the chance to enter a room full of ornaments. They each have 3 chances to guess who among the ornaments are their friends. All failed and turned into an ornament except for Dorothy who also happened to free the scarecrow. Enraged, the Nome King attacked Dorothy and her friends and tried to eat Jack's head but it in is Bellina who happens to lay an egg into the King's mouth. Having eggs as poisonous to nomes in the land of oz, the Nome King died because of it.

Are you also a fan of this movie? Did you consider the wheelers as bad too? Share your thoughts with us! =)

Welcome to 80's Pinas extension blog!

This blog will contain:

80's Featured Foreign Film
(An 80's film that we have had the privilege to watch during our younger days)

Larong 80's
(Several childhood games that we used to enjoy during the good old days)

80's Rants
(Some of my personal stories about my happy childhood days)

80's Brand
(The popular items or famous brands back in the eighties)

80's Fast Track
(Things that happened after the eighties. It could be movies, gadgets, toys, commercials that are worth remembering just like those 80's stuffs that we used to love)

Thank you for taking your time in reading my blog. I hope I give you a little bit of satisfaction as you go through each of my entries. =]