link: click VIDEO to watch the WHOLE MOVIE
Thanks to romeo8560 for the upload
Ang pelikulang ito ay unang ipinalabas sa mga sinehan noong 1996. Ito ay kwento ng tatlong batang may kaniya-kaniyang angking kapangyarihan na nakatakdang iligtas ang kahiran ng Samadi at ng kanilang mundo. Sila ay sina Jubal (Jason Salcedo), Sambag (Junell Fernando) at Omar (Mark Solis) na napunta sa ilalim ng gurong si Sifu (Jun Urbano). Ayon kay Sambag at sa nalalaman ng nakararami sa kanilang bayan, si Sifu ay mabait, may pambihirang taglay na talino, kapangyarihang pisikal at ispiritwal. Kaya naman ang mga magulang ng mga batang nagpapamalas ng kakaibang galing sa kanilang mga kapangyarihan ay naglalayong maipagkatiwala kay Sifu ang kanilang mga anak.
Nagkaroon ng isang kaguluhan sa matahimik at mapayapang kaharian ng Samadi. Naririto kase ang timbangan ng balanse ng katahimikan sa mundo ng Samadi at mundo ng mga tao. Isang malupit na mandirigma, si Ravenal (Jackie Lou Blanco) na nagtatangkang maghari sa parehong mundo, ang gumalaw ng balanse. Walang ibang magawa ang kaharian dahil sa tindi ng itim na kapangyarihang taglay ni Ravenal. Nagpadala ang hari (Coco Trinidad) ng isang mensahero (Chubi Del Rosario) upang ipagbigay-alam kay Sifu ang nangyayari sa palasyo. Imbis na si Sifu ang pumunta upang tumulong, isinugo niya ang kanyang tatlong disipolo. Nagsimula nang maglakbay ang tatlong batang mandirigma patungong Samadi. Sa daan, marami silang nakilalang mga bagong kaibigan. Si Telang Bayawak (Ms. Gina Perreno), kahit anong gawing pagbitay sa kanya ng mga tao ay hindi mamataymatay. Nakilala rin nila si Jasmin (Anna Larucea), isang batang multo na hindi pa matahimik dahil hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang mga buto na nasa kamay ni Diablong Bungo (Michael Arguelles).
Ang pelikulang ito ay ipinalabas matapos ang dekada otsenta na nagbibigay ng saya at gintong aral tulad ng mga palabas noon. Dahil si Direk Peque Gallaga din ang direktor nito (direktor din ng Once Upon A Time 1985 ni Dolphy), may aurang 80's din ito. Kababalahaghan at mahika ang ilan sa mga instrumento ng palabas na kahalintulad din ng mga nausong palabas noong araw.
Maaaring panoorin ang buong plabas sa pamamagitan ng link sa itaas.
Watch: Magic Kingdom - Ang Alamat ng Damortis (teaser)
Related Article: 80's Pinas ONCE UPON A TIME
***No copyright infringement intended***
Monday, December 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
one of my fave movie ot 90's!!
Post a Comment