Ang IBC 13 noong araw, para sa aking pananaw, ang may pinaka magagandang palabas na pambata. Hindi ganoon kasikat ang ABS CBN maging ang GMA 7. Wala pa sa ere ang ABC 5 o mas kilala na ngayon sa tawag na TV5. Kabilang sa mga palabas ng IBC 13 noon ang Ora Engkantada, Mongolian Barbecue, Sic O' Clock News, 13 14 15, Ula, X.O., Islaw Kalabaw, Ang Manok ni San Pedro, Ang Boyfriend Kong Mamaw at marami pang iba. Ang lahat ng aking mga nabanggit ay ang ilan sa mga di ko malilimutang palabas dahil bukod sa paborito ko ang ilan, puno ang mga ito ng di matatawarang alaala ng aking pagkabata.
Hindi lang mga local na palabas ang pumatok sa channel 13 noon. Siyempre, sino ba naman ang hindi makakaalala ng mga japanese tv shows tulad ng Volton, Daimos, Voltes 5, Shaider at siyempre ang paborito naming magpipinsan--BIOMAN.
Tuwing alas kwatro ng hapon at sinuswerteng payagan lumabas para maglaro sa playground, namin ginagagawa ang aming pagtatransform. Mayroon kasing slides doon sa playground at noong kami ay mga bata pa, extra challenge ang makapagslide ka sa malaking slide. At dito sa malaking slide na ito kami tinatawag ng mundo upang sagipin ang mga naaapi.
Talaga namang pinagtigitigisahan namin ang mga miyembro ng Bioman. Dahil aapat pa lang kami noon at iisa lang si Kuya na lalaki, inassume niya ang role nina Red 1, Green 2 at Blue 3... Ang problema, tatlo kaming babae. =( Si Chin, ang kaedad kong pinsan ang naging si Yellow 4. Siyempre ano pa ba ang basehan ng pagpili ng kung aling Bioman member ka kundi ayon sa paborito mong kulay. Paboritong kulay ni Chin ang dilaw kaya masaya siyang nagpapakasasa sa role na Yellow 4. Pero paano ang role na Pink 5???
Talagang pinag-agawan namin ng ate ko (pinsan) kung sino nga ba ang magiging Pink 5. Paano ibig sabihin noon kung sino si Pink 5 eh siya rin ang may karapatang sabihing sa kanya at siya TALAGA ay may paboritong kulay na Pink. Eh dahil napakacompetitive ko noong bata ayaw kong ipaubaya na lang ang role na yon sa kanya. Kaya naman nagpabonggahan na lang kami sa pagsigaw at pagpose ng "PINK 5!" bago magslide. At kahit takot na takot dahil sa mabilis na pagragasa pababa ng slide, kunwari di ako natatakot na baka tumilapon ako mula sa slide mapasakamay ko lang ang role na ito!
Eh sino nga ba itong si Pink 5 at sobrang naging most coveted role siya noong 80's sa aming magpipinsan???
Ito ang aking munting impormasyong nakuha tungkol sa aming pinakamamahal na si Pink 5:
Actress: Michiko Makino
Role: Katsuragi Hikaru
Age: 20 years old
Weapons:Super Electron Beamlight, Pink Barrier and Laser Sword
Attacks: Pink Flash and Spin Chop
Birthday: October 3, 1964
Hindi ko na makita kung ano na ang ginagawa ni Pink 5 ngayon matapos ang kanyang Bioman days pero ang masasabi ko kaming magpinsan minsang nag-agawan kay Pink 5 ay pareho pa ring mahilig sa Pink at hindi na namin ito pinagtatagisan pa ng galing. Si ate ay nasa States na ever since 1991 at mayron na siyang sariling pamilya at may tatlong anak. At ako naman ngayon ay isa nang preschool teacher.
Ping your blog
2 comments:
nkakamiss tlga
Oo naman, Jon nakakamiss talaga! Iba talaga ang mga good old days of childhood! ;) Thanks for dropping by my blog and leaving a comment! Enjoy your day! =D
Post a Comment