Hay, eighties nga naman! Ang tagal ko na ring hindi nagblog dito dahil sa dami na rin ng ginagawa ko sa pang-araw araw..pero hindi ko talaga mapipigilang maging nostalgic dahil sa nitong mga nakaraang araw ay binibisita tayo ng ulan. Paano kasi , maraming magagandang alaala ang meron ako tungkol sa ulan. Ito ang panahon na, noong bata ako, ay labis kong kinaiisan (dahil hindi ako makapaglalaro sa labas) pero labis ko ring kipinananabikan. Bakit??? Ito ang panahon kung saan feeling ko ang mga mahal ko sa buhay ay ang pinakamalapit sa akin. Nahiligan ng kuya at papa ko na magbukas ng lata ng sardinas, pipigaan ito ng kalamansi at saka kakainin. Ito rin ang panahon na hihiga lang ako sa kandungan ng mama ko at saka matutulog. Ito rin ang panahon na hihiga kami ng kuya ko sa iisang kama sa aming kwarto at magkwekwentuhan kami ng kung anu-anong makabuluhan at mga walang kabuluhang bagay. Naging ugali namin ang magdugtungan ng kwento na puro imbento at barbero lang hanggang sa mauuwi na kami sa kung anu-anong mga kalokohang maiiyak na lang kami sa kakatawa.
Speaking of my brother, ito ang isa sa mga pinakapaborito niyang palabas sa tv noong bata pa kami. Feeling ko, tulad ng nakararaming 80's child, Cartoon maniac din sila tulad ni Kuya. Namimiss ko tuloy yung routine namin noong bata pa kami. Eskwela, bahay, tv, family computer at laro lang ang inaatupag namin--at WALA NG IBA. "HEMAN, the master of the Universe"! Hearing and saying that makes me laugh now. Corny siya pero super nostalgic. Kamusta naman sa mala-bunot na blondie hair ni Heman??? Pausong look! Buti hindi ginaya ng kuya ko ang hairstyle niya. =)
At siyempre, ang mama ko, tulad ng mga conventional mothers noong 80's, ay obsessed sa pagcacategorized ng everything that are only for girls and forb oys. Sa boys ang mga tshirt na may Heman tapos ang sa girls siyempre--SHERA! Haha, i remember ang craze noon for PANINI STICKERS & STICKER ALBUMS!
Naaalala ko pa, ibinili kami ng parents namin niyan. I had Barbie and my brother had Thundercats. Tapos bawi na lang sila sa mga Heman at Shera na coloring book. Good thing, we have a few relatives from the States at pinadadalhan nila kami ng mga stickers and coloring books na hindi mabibili dito sa Pinas.
Who would forget Skeletor and his evil followers??? Hanggang ngayon nga, memorable siya sa amin to the point na ginagamit namin ang kanyang name to describe someone. Sama no? Hehe.
Talagang nakakamiss ang past. I don't know for others, maybe they are not that much into reminiscing and revisitng the past, pero ako I truly love doing that. It kinda' makes me bring out the child in me and it reminds me of the happy days that oftentimes I hardly find today. Knowing how happy and memorable my childhood days were is enough to motivate me to make the most out of today so that I could have enough happy memories to look back to when the future comes.
Ping your blog
No comments:
Post a Comment