...EIGHTIES PINAS...

...EIGHTIES PINAS...
GIMIK Month for 80's Warpback
Bagets is to the 80's as GIMIK is to the 90's.. As ABS-CBN granted the wish of many, let us relive the 90's thru one of the best barkadas during that era--Gimik!

Tuesday, June 29, 2010

Pendong Peace!!! =D

<----- PENDONG! PEACE! Ang tagal ko nang hindi naririnig ang mga katagang ito. Palibhasa, dahil kabilang ang popular na kasabihang ito sa panahong nakalipas, madalang ko na nga talagang maririnig ito sa kasalukuyan. Sino nga ba si Mang Pendong at talaga namang naging suki ng bawat dila ng mga batang 80's ang pangalan niya? Kalbo ba si Mang Pendong? Di kaya ang mas matinong tanong ay "kung tao nga ba si Pendong"??? Ano o sino ba si Pendong... Tandang tanda ko pa noong unang mauso sa aming street ang mga katagang ito. Asar na asar ako dahil hindi ko makita ang "sense" kung bakit ito sinasabi at ginagawa. Biruin mong wala akong kamuwang-muwang eh bigla na lang akong nabatukan ng kuya ko habang sinasabi niya ang salitang "PENDONG" at sabay sabi ng "PEACE" habang naka-peace sign! Muntikan kong gulpihin ang kuya ko sa inis at siya naman, di na makahinga sa kakatawa dahil sa gulat at pagtatakang nakita niya sa mukha ko. Simula noon, hindi ko kailan man masakyan ang joke/pang-asar na Pendong-Peace.

(image from video48)

Noong dekada otsenta (at sa paniniwala ko'y hanggang sa dekada nobenta) nauso ang mga pelikula may tema ng mahika. Sikat na sikat noon si Herbie (the takling beetle) at dito sa Pilipinas ipinakilala ang ganitong karakter sa pelikulang Family Tree na pinagbidahan nila Luis Gonzalo, Nida Blanca, Francis Magalona at Nadia Montenegro. Isang nagsasalitang volkswagen na may kakaibang kapangyarihan ang isa sa mga naging highlight ng nasabing pelikula.

At noong mga panahong iyon nagmamay-ari kami ng isang blue na volkswagen. Sabi ng mama ko nabili lang daw namin ang kotseng ito sa halagang 40,000 pesos mula sa kanyang tiyo. Ito ang ginagamit naming pamilya tuwing papasok sa eskwela at opisina, mamasyal at mamimili. Kaya naman natutuwa ako kapag nakakakita ako ng volkswagen sa mga pelikula. Madalas kasing ipagmalaki sa amin ng aming papa na ang kotseng ito ay bukod sa napakatipid sa gasolina ay napakainam daw imaneho.


Isang araw, habang kami ay papauwi galing sa bahay ng aming lola napansin ko na lang na karamihan ng mga batang aming nadadaanan ay nagtatawanan. Noong una akala ko may pinagtatawan lang talaga sila hanggang sa marinig ko ang isa na sumigaw ng "Pendong! Peace!" Matapos nito ay naghalakhakan silang magkakasama habang naka-peace sign ang ilan para hindi mabatukan. Hindi lang pala tuwing may makikita kang kalbo saka magpependong, pati volswagen pala! Hay naku, as usual, inis na inis ako tuwing makakakita ako ng gumagawa nito sa tuwing kami ay dumadaan. "Pendong peace pala ah!"

Hay, pag bata talaga... maiinis ka kahit sa walang kakwenta-kwentang bagay. Ngayon, namimiss ko ang mga panahong uso ang pendong peace. Matagal na rin nang huling marinig ko ang mga ito.

Ping your blog

3 comments:

Arlet Villanueva said...

Hi! so tama ba na sa 80's nagsimula ang pendong peace? HAHA wala lang nacucurious lang talaga ko with this habit of kids/teenagers eh.

Thanks!

80's Pinas said...

thank you arlet for the comment! haha, ewan ko nga ba kung saan nanggaling at kung sinong pontio pilato (HAHA) ang nag-imbento nyan! hehe, di pa rin over!! i hope nag-enjoy ka sa blog ko.. pagagandahin ko pa para mas lalung trip back to memory lane! enjoy your day, arlet! =D

Silouan said...

Hahaha nag post din ako nito sa Facebook nakita ko blog mo inaalam ko kasi King ano ibig sabihin ng pendong!!

Pendong peace brother!!

https://m.facebook.com/groups/310309735790553?view=permalink&id=1614091955412318